Ang bagong pamamaraan [ng paglalarawan at pagpapaliwanag] na ito ay tinangka upang ito ay maipagkaloob sa iyo nang may ganap na impormasyon [at mga kaalaman at kabatiran] ang mga alituntuning-gabay tungkol sa ikalawang haligi at pinakamahalagang gawaing-pagsamba sa Islam pagkaraan ng paniniwala na walang Diyos na dapat sambahin kundi ang Allah at si Propeta Muhammad ay Kanyang Sugo; [ito ay] ang pagsasagawa [at pagtatatag] ng limang takdang pagdarasal bilang kautusan ng Diyos. Ito ay nagbibigay-linaw para sa katayuan ng pagdarasal ng isang Muslim at mga katangian [o kabutihan] sa Islam at sa mga ibang nakaugnay na paksa sa simple at madaling-maunawaang pamamaraan.
Mga Paksang Kabilang Dito ay:
- Ang katayuan at mga katangian [o kabutihan] ng pagdarasal [Salat] ng isang Muslim.
- Ang limang takdang pagdarasal at ang mga takdang oras nito.
- Ang [tamang] oras at [wastong] pamamaraan ng pagsagawa ng pagdarasal.
- Ang mga haligi at mga wastong kilos [o paggalaw] sa pagdarasal.
- Kababaang-loob at kataimtiman sa [oras ng] pagdarasal.
May-akda: Fahd Salem Bahammam
Ang pamamaraan [ng paglalarawan at pagpapaliwanag na] ito ay binubuo ng isang madali [at magaang] interface [o ng pagkakarugtong-dugtong ng iyong computer sa mga software upang maging maayos ang daloy ng mga mensahe, mga larawan at iba pang impormasyon na maghahatid ng [mga wastong] kaalaman. At kabilang din dito ang isang ganap na pagpapakita at paglalarawan [sa pamamagitan ng full screen mode] kasabay ng paggamit ng audio feature nito [upang iyong mapakinggan].
Ang Mga Pangunahing Kabutihang Gamit Nito:
- Ang pinakamakabagong pamamaraan ng paghahatid ng kaalaman sa Islam.
- Ang mga alituntunin kung paano gamitin ang aklat.
- Ang simpleng alituntuning-gabay na mayroong mga patunay o batayan (Daleel) mula sa Banal na Quran at sa mapananaligang Sunnah.
- Ang iba’t ibang mga ipinakikitang magagandang larawan [na umaangkop sa paksa].
- Ang mga bihasa at may natatanging kakayahan na iyong mapapakinggan sa likas na katutubong tinig.
- Ang madaling-matunghayang mga pahina na may isang navigator [kusang-tagapaghanap ng pahina] sa ilalim ng bawa’t pahina.
- Ang magaang pagsasaayos sa pagitan ng bawat larawan [slideshow] at pagsasaayos ng mga logo [o pananda, sagisag o larawan] sa gilid ng mga bawa’t pahina.
- Ang madaling pag-klik-pag-swipe.
Ang mga ibang pamamaraan [ng paglalarawan at pagpapaliwanag [apps] :
- Ang pagdarasal ng isang Muslim [sa wikang Ingles at Pransiya]
- Ang paglilinis [at Pagpapakadalisay] ng isang Muslim
- Ang Eeman [pananampalataya] ng isang Muslim
- Ang mga kagandahang asal [at ugali] sa Islam
- Ang pag-aayuno ng isang Muslim
Makipag-ugnay!
Kami ay nalulugod na tumanggap ng anumang katanungan, pamumuna at katugunan [o kasagutan mula sa iyo].
Kami ay nalulugod na ikaw ay aming mapakinggan. Isulat [at ipadala] ang inyong mga katanungan at mga puna sa:
[email protected]